Almost one week na sana akong di mago-online. Nakakadismaya kasi tong nangyari. Ngayon lang magre-react. Nakakalungkot lang na nakakatakot na ang mundo.

First time nangyari yan sa bahay namin. :( First pic, sa likod yan, grabe lang. Lagpas tao na yata yan, kasi yung baba nyan, palaisdaan. Ayun. Second pic, sa terrace ng bahay yan. Grabe, niyugyog ako ng nanay ko sa pagkakatulog para lang malaman ko na nasa pintuan na namin yung tubig. Hoooo. Last pic, sa likod bahay, like OMG. Legit? Hanggang tuhod ko na yan eh, what more pa kaya pag lumabas ako ng subdivision, ode lubog? Tsk. :(

After that, two nights na walang kuryente samin. Ang saya ng mga lamok sakin. Grabe. Two nights din na 15% lang yung charge ng phone ko, buti naka-survived din sya. xD Di rin ako makagawa ng ayos sa requirements ko kasi nga no power. Shemay, nakakalungkot. Tas bumalik naman yung power ng 10am last Wednesday. Tas ayun.

Sana hindi na maulit yung ganito. Kahit yung mas malala. Wag na sana. Ang daming nalulungkot tsaka natatakot. Natatakot na nga akong mawala sya sa buhay ko e, eto pa kaya? Woo. Naisingit ko sya! xD

End. x

Tagged as: notebook,   Maring,   Habagat,   HAHAHAHA,   no more please,